Golden Rise nanorpresa

Dehado agad ang bumulaga sa bayang karerista sa panalo ni Golden Sunrise sa Philippine Racing Commission (Philracom) Rating Based Handicapping System Class 4 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Linggo ng hapon.

The post Golden Rise nanorpresa first appeared on Abante.

golden rise nanorpresa - Golden Rise nanorpresa
kabayo 2 - Golden Rise nanorpresa

Dehado agad ang bumulaga sa bayang karerista sa panalo ni Golden Sunrise sa Philippine Racing Commission (Philracom) Rating Based Handicapping System Class 4 sa San Lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite Linggo ng hapon.

Sinakyan ni class B rider JB Guerra, dumaan sa bandang labas sa rektahan si Golden Sunrise upang lampasan ang mga nagkukumpulan sa unahan at tawirin ang meta ng may dalawang kabayong agwat sa nasegundong Surplus Boy.

Tinala ni Golden Sunrise ang 1:30.6 sa 1,400 meter race upang hablutin ang panalo na pinasibat sa unang karera. Tumersero si Dream Dancer at pumang-apat si Mutya ng Ibaan.

“Dehado agad pero meron ako niyan sa Winner Take All ko, dinamihan ko ang pili para maka-one point agad,” masayang sambit ni Danny Boy Canaleta, isang karerista na taga-Santa Ana, Maynila.

Sa balya naman dumaan ang Yabba Dabba Doo upang mamayagpag sa PRBHS Class 5 na pinatakbong Race 2. (Elech Dawa)

The post Golden Rise nanorpresa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *