Gold medal kinuwintas ni Claros

Gold medal kinuwintas ni Claros

SUMULONG ng panalo si April Joy Claros sa seventh at final round upang sikwatin ang korona sa Girls’ Under-12 Rapid chess ng Luzon qualifying leg ng Philippine Sports Commission-Batang Pinoy sa Centro Mall sa Ilagan City, Isabela.

The post Gold medal kinuwintas ni Claros appeared first on Abante News Online.

gold medal kinuwintas ni claros - Gold medal kinuwintas ni Claros
chess 7 - Gold medal kinuwintas ni Claros

SUMULONG ng panalo si April Joy Claros sa seventh at final round upang sikwatin ang korona sa Girls’ Under-12 Rapid chess ng Luzon qualifying leg ng Philippine Sports Commission-Batang Pinoy sa Centro Mall sa Ilagan City, Isabela.

Nakalikom si top seed Claros ng 5.5 points matapos kalusin si Franiel Angela Magpily sa last round, sapat upang ikuwintas ang gold medal sa event na ipinatupad ang seven-round Swiss system.

Kaparehong puntos ni Claros ng Angeles City si Alysah Buto ng Cainta, subalit dahil sa ma­taas na tie-break ay hinirang na kampeon ang 11-anyos na woodpusher.

Tabla ang huling laro ni Buto kay Mecel Angela Gadut.

Nasilo ni Buto ang silver ­habang bronze medal ang nakalawit ni Gadut.

Samantala, nagreyna sa Girls’ Under-15 si Ma. Elayza Villa ng Mandaluyong City matapos pagpagin si ranked No. 2 Jerlyn Mae San Diego ng Dasmariñas, Cavite sa final round.

Nirehistro ni Villa ang anim na puntos para makopo ang gintong medalya habang silver ang nahamig ni San Diego.
Hinablot naman ni Aleck Ben Louise Saniego ang bronze.

The post Gold medal kinuwintas ni Claros appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *