Gohing lipat-tennis

HINDI lang bola ang sinasalo ngayon ni Premier Volleyball League (PVL) star Melissa Gohing, humahawak na rin ng raketa.

The post Gohing lipat-tennis first appeared on Abante.

gohing lipat tennis - Gohing lipat-tennis
abante melissa gohing - Gohing lipat-tennis

HINDI lang bola ang sinasalo ngayon ni Premier Volleyball League (PVL) star Melissa Gohing, humahawak na rin ng raketa.

Sa Instagram story nitong Linggo, pinasok na rin ng Motolite libero ang mundo ng nasabing racquet sport.

‘Tennis Saturday’ caption ng 28-anyos, 5-3 ang taas, at tubong Bacolod nang ibahagi ang litrato kasama ang mga kaibigan at dyowang aktor na si Rocco Nacino.

“Happy weekend,” hirit pa ng dalagang balibolista.

Ngayong may Covid-19, nanatili ang lockdown at ilang professional sports pa lang pinahihintulutang magsagawa ng team practice. Hindi pa kasama ang volleyball kaya chillax muna ang volleybelle ng Power Builders. (Aivan Denzel Episcope)

The post Gohing lipat-tennis first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *