GMA-7 bagong haybol ng NCAA

MAPAPANOOD na ang pinakamatagal na liga ng mga kolehiyo sa bansa na National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa bago nitong bahay na Kapuso Network o GMA-7.

The post GMA-7 bagong haybol ng NCAA first appeared on Abante.

gma 7 bagong haybol ng ncaa - GMA-7 bagong haybol ng NCAA
ncaa 1 - GMA-7 bagong haybol ng NCAA

MAPAPANOOD na ang pinakamatagal na liga ng mga kolehiyo sa bansa na National Collegiate Athletic Association (NCAA) sa bago nitong bahay na Kapuso Network o GMA-7.

Inihayag ito ng GMA Network sa pang-umagang programa na Unang Hirit matapos masiguro ang pagsasaere ng 92-taong torneo.

Ang higanteng TV network ang sinabihan ng desisyon ng NCAA Policy Board nitong Huwebes matapos ang isinagawang malalim na ebalwasyon sa iba pang mga nagbigay ng bid.

Ipinaalam ng GMA-7 na ang NCAA ang magiging centerpiece ng plano nito sa pag-reformat sa GMA NewsTV tungo sa isang sports at entertainment channel.

Ang NCAA ay naiwanan na walang broadcast partner matapos na ang matagal na nagsasaere na ABS-CBN ay hindi na binigyan ng prangkisa ng Kongreso.

Base sa plano, ang mga laro ng liga ay ipapalabas nang live sa babaguhing GMA NewsTV habang ang playoff matches ay mismong ipapalabas sa GMA-7. (Lito Oredo)

The post GMA-7 bagong haybol ng NCAA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *