Ginto puntirya ni Obiena

TARGET ni pole vaulter Ernest John Obiena na sumungkit ng gintong medalya sa tatlong tournament na sasalihan niya ngayong Setyembre.

The post Ginto puntirya ni Obiena first appeared on Abante.

ginto puntirya ni obiena - Ginto puntirya ni Obiena
Ernest John Obiena 1 - Ginto puntirya ni Obiena

TARGET ni pole vaulter Ernest John Obiena na sumungkit ng gintong medalya sa tatlong tournament na sasalihan niya ngayong Setyembre.

Sumalang na kagabi si 2021 Olympic Games qualifier sa International Golden Roof Challenge sa Innsbruck, Austria. Posibleng umabot sa limang kompetisyon ang sasalihan ni 2019 Southeast Asian Games gold medalist Obiena.

Nais kasi ni Obiena na pagandahin ang kanyang performance matapos itong lumanding sa fifth sa Janusz Kusocinski Memorial meet sa Chorzow, Poland, nilundag nito ang 5.62 metro.

Bago ang fifth place finish, sinikwat ni Obiena ang silver medal sa 13th Triveneto International Meeting sa Trieste, Italy, bronze medal sa IAAF World Diamond League Athletic Series sa Monaco at silver medal sa virtual competition na “Who is the Finest Pole Vaulter in the World?” (Elech Dawa)

The post Ginto puntirya ni Obiena first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *