Ginobili jersey niretiro ng Spurs

MASAYA na si Manu Ginobili na tahimik na magreretiro kahit hindi na ire-retire ng Spurs ang kanyang jersey.

The post Ginobili jersey niretiro ng Spurs appeared first on Abante News Online.

ginobili jersey niretiro ng spurs - Ginobili jersey niretiro ng Spurs
Abante 2019 Manu Ginobili - Ginobili jersey niretiro ng Spurs

MASAYA na si Manu Ginobili na tahimik na magreretiro kahit hindi na ire-retire ng Spurs ang kanyang jersey.

Pero sabi ni San Antonio coach Gregg Popovich, wala na raw magagawa ang Argenti­nian kundi tanggapin ang pagsaludo ng team sa kanyang kontribusyon sa laro.

Ni-retire ng Spurs ang No. 20 ni Ginobili pagkatapos ng 116-110 panalo kontra Cleveland Cavaliers, Huwebes nang gabi.

“What am I doing here,” pakli ni Ginobili. “I had no expectations of being here when I was growing up.”

Sila lang ni Bill Bradley ang tanging players na may NBA championship, Euroleague title at Olympic gold medal. Apat na titulo ang ibinulsa ni Ginobili sa Spurs sa panahon ng Big 3 nila nina Tim Duncan at Tony Parker.

Sa kabila ng talento sa laro, tinanggap ni Ginobili ang off the bench role.

Sa 1,057 games sa 16 seasons sa San Antonio, 349 na beses lang siyang nag-start.

Sinaluduhan din nina Parker at Duncan ang dating teammate sa masaya pero emosyonal na seremonya.

Nag-speech sina Popovich at Argentina teammate ni Ginobili na si Fabricio Oberto. Libong fans sa venue ang nagsuot ng No. 20 jersey.

Kasama na ng jersey ni Ginobili ang kina Johnny Moore, Avery Johnson, Bruce Bowen, James Silas, Duncan, Sean Elliott, George Gervin at David Robinson.

Buong NBA career ni Ginobili ay sa Spurs. Noong 1999 draft ay 57th pick siya ng San Antonio pero pinayagan pang maglaro ng ilang seasons sa Euroleague.

May binuko pa nga si Duncan: “We pick people I’ve never heard of. I hear … Emmaniel Ginili.”

Makapal pa ang buhok, nagpakilala agad ang noo’y 25-anyos na si Ginobili sa unang laro kontra Lakers noong October 29, 2002. (VEduarte)

The post Ginobili jersey niretiro ng Spurs appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *