Gil’s Magic kursunada sa PHILRACOM 3YO race

NOMINADO ang 12 tigasing kabayo sa 2019 PHILRACOM “3-Year-Old Local Fillies & Colts” na ilalarga sa San lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo.

The post Gil’s Magic kursunada sa PHILRACOM 3YO race appeared first on Abante News Online.

gils magic kursunada sa philracom 3yo race - Gil’s Magic kursunada sa PHILRACOM 3YO race
karera 4 2 1 - Gil’s Magic kursunada sa PHILRACOM 3YO race

NOMINADO ang 12 tigasing kabayo sa 2019 PHILRACOM “3-Year-Old Local Fillies & Colts” na ilalarga sa San lazaro Leisure Park sa Carmona, Cavite sa darating na Linggo.

Nakalaan ang P1M na premyo na ikakalat sa first hanggang fourth sa event na inisponsoran ng Philippine Racing Commission.

Ang mga nagdeklara ng pagsali sa 1,500-meter race ay sina Fever Act, Gil’s Magic, Lakan Takhan, My Jopay, Real Gold, Royal Bell, Serafina, Snap Dance, Toy For The Bigboy, Turns Gold, two Timer at Westeros.

Ayon sa isang beteranong karerista, sakaling masalang ang lahat ng nabanggit na kabayo, kursunada niya ang Gil’s Magic.

“Pangalan pa lang alam mong may panalo kasi Magic,” pabirong sabi ni Angelito Mancenido. “Biro lang, ang totoo nasusubaybayan ko mga takbo niya at talagang may galing kaya doon ako.”

Tatanggap ng P500,000 ang owner ng unang kabayong tatawid ng meta, P225,000 ang hahamigin ng may-ari ng segundo habang ibubulsa ng third at fourth placers ang halagang P125,000 at P20,000 ayon sa pagkakasunod.
Mag-uuwi rin ng P30,000 ang breeder ng winning horse. (Elech Dawa)

The post Gil’s Magic kursunada sa PHILRACOM 3YO race appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *