Gilas relaks kahit wala pang player

NASA Clark bubble sa Pampanga ang PBA, alanganing maipahiram ng 12 teams ang kani-kanilang players para umayuda sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup qualifying.

The post Gilas relaks kahit wala pang player first appeared on Abante.

gilas relaks kahit wala pang player - Gilas relaks kahit wala pang player
sonny 2 - Gilas relaks kahit wala pang player

NASA Clark bubble sa Pampanga ang PBA, alanganing maipahiram ng 12 teams ang kani-kanilang players para umayuda sa kampanya ng Gilas Pilipinas sa FIBA Asia Cup qualifying.

Sa kabila nito, malayo pang pumindot ng panic button ang Samahang Basketbol ng Pilipinas.

“Wala pang final timetable ‘yung FIBA Asia Cup,” pakli ni SBP executive director Sonny Barrios.

Dahil banta pa ang coronavirus, tingin ng SBP official ay isisingit na lang ng FIBA sa February ang mga natitira pang matches na dapat ay ilalaro sa November.

Base sa unang schedule, toka ng Pilipinas ang Korea sa Nov. 27 bago ang Thailand makalipas ang tatlong araw.

“Supposedly, November and February ‘yung dates. Pero walang definite pa kung saan lalaruin at anong petsa. In fact, very unofficially, ang sense ko ‘yung November ipu-push back ng February,” dagdag ni Barrios.

Sina PBA stars Kiefer Ravena, Poy Erram, Troy Rosario, CJ Perez, RR Pogoy, Justin Chua at Abu Tratter ang umayuda sa Gilas cadets sa 100-70 win ng Pilipinas sa Indonesia noong February.

Magsisimula ng Oct. 11 ang PBA restart sa Pampanga, tatagal ng hanggang mid-December. Bawal lumabas ng bubble, kaya kuwestiyonable kung mapapayagan ang pros na maglaro sa Gilas sakaling matuloy ang FIBA Asia games sa November. (VE)

The post Gilas relaks kahit wala pang player first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *