Gilas pa-Madrid na sa Agosto 4

LILIPAD na sa August 4 pa-Madrid ang Gilas Pilipinas para sa ilang laro sa Spain bahagi ng preparas­yon sa paglahok sa 18th FIBA World Cup 2019 sa China.

gilas pa madrid na sa agosto 4 - Gilas pa-Madrid na sa Agosto 4
gilas 7 - Gilas pa-Madrid na sa Agosto 4

LILIPAD na sa August 4 pa-Madrid ang Gilas Pilipinas para sa ilang laro sa Spain bahagi ng preparas­yon sa paglahok sa 18th FIBA World Cup 2019 sa China.

“We’ll travel to Guadalajara where we play two practice games versus Congo and Ivory Coast, from Gudalajara is like a 45-minute-to-1-hour ride back to Madrid,” ani Gilas team manager Gabby Cui sa FIBA World Cup Trophy Tour sa Meralco Building, Pasig.

Mula Madrid, bibiyahe ng 2 ½ hours via speed train ang Nationals papuntang Malaga.

“In Malaga we have a mini-tournament there. We play first versus Congo, winner faces the winner of Ivory Coast versus Spain,” dagdag ni Cui.

Ipaparada ng Spain ang National team nila kasama ang mga NBA player na sina Marc Gasol at Serge Ibaka ng champions Toronto Raptors at si Ricky Rubio ng Phoenix Suns.

Aug. 12 ay babalik ng Pilipinas ang Gilas at haharapin naman sa goodwill games ang team mula NBA ng Australia.

“We also have the Adelaide 36ers coming over, we will be playing them on August 23 and 25 here in Meralco Gym,” panapos ni Cui.

Sa Aug. 29 bibiyahe patungong China ang Gilas Pilipinas para sa torneo sa Aug. 31-Sept. 15. (Vladi Eduarte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *