Gilas gahol sa panahon

Nagtungo na ang Gilas Pilipinas sa Manama, Bahrain Linggo ng umaga para sa kampanyasa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers sa Nobyembre 26-30.

The post Gilas gahol sa panahon first appeared on Abante.

gilas gahol sa panahon - Gilas gahol sa panahon
gilas 3 - Gilas gahol sa panahon

Nagtungo na ang Gilas Pilipinas sa Manama, Bahrain Linggo ng umaga para sa kampanyasa 2021 International Basketball Federation (FIBA) Asia Cup Qualifiers sa Nobyembre 26-30.

Optimistiko si national team coach Joseph Enrique ‘Jong’ Uichico na makakalampas sa kanilang ekspekstasyon ang batang koponan na nasa Group A kontra sa Indonesia, Thailand at South Korea.

“Pinili namin na mas maagang pumunta para makapag-ensayo pa kami ng ilang araw at makuha ang chemistry ng team. Hindi na kasi kakayanin kung tactical at magtuturo pa tayo ng mahirap na system kasi gahol na sa panahon,” sambit ng bench tactician.

Umatras sa torneo ang SoKor dahil sa takot sa Covid-19. Kaya ang makakasagupa na lng ng Pinoy quintet ay ang Thailand sa Nov. 27 at 30 sa Khalifa Sports City sStadium.

Bitbit ng Gilas ang 1-0 win-loss record sa qualifier nang tambakan ang Indonesia,100-70, sa unang window noong Pebrero bago nag-lockdown sa buong mundo.

Bumubuo sa players sina Rey Suerte, Isaac Go, Matt at Mike Nieto, Calvin Oftana, Kenmark Cariño, Dave Ildefonso, Dwight Ramos, Wil Navarro, Jayde Tungcab, Juan at Javi Gomez de Liaño, Justin Baltazar, at team captain Kobe Paras.

Hindi nakasama si Allyn Bulanadi na may shoulder injury habang hindi pa nakukuha ng isinilang sa Cote de Ivore at kandidato sa naturalization na si Angelo Kouame ang kanyang naturalization documents. (Angelito Oredo)

The post Gilas gahol sa panahon first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *