Giannis nagkalat, Milwaukee olats

ITINAPON ni Giannis Antetokounmpo ang posesyon sa final seconds habang naghahabol ang Milwaukee, at tuluyang naubusan ang Bucks sa Houston Rockets 120-116 Linggo ng gabi sa Orlando bubble.

giannis nagkalat milwaukee olats - Giannis nagkalat, Milwaukee olats
abante gianiis - Giannis nagkalat, Milwaukee olats

ITINAPON ni Giannis Antetokounmpo ang posesyon sa final seconds habang naghahabol ang Milwaukee, at tuluyang naubusan ang Bucks sa Houston Rockets 120-116 Linggo ng gabi sa Orlando bubble.

Iwan ang Bucks 117-116, sumagasa si Antetokounmpo sa basket pero naipit sa paint. Binalibag ng reigning MVP ang bola pero malamya ang pasa sa kakampi sa sulok, naagaw ng Rockets 14 seconds na lang.

Ibinaon ng Houston ang huling tatlong free throws para selyuhan ang panalo.

Abante pa ng walo ang Milwaukee kulang 2 minutes pa sa laro pero humarabas ng siyam na sunod ang Rockets sa pangunguna ni Russell Westbrook para agawin ang lead 117-116.

Umiskor ng 11 points pataas ang lahat ng starters ng Rockets sa pangunguna ng 31 ni Russell Westbrook na may 8 assists pa. Nagsumite ng 24 points, 7 rebounds at 7 assists si James Harden, may 15 points at 7 boards si Robert Covington.

Nawalan ng saysay ang dambuhalang 36 points, 18 rebounds at 8 assists ni Antetokounmpo, at 23 markers, 12 boards ni Brook Lopez sa league-leading Bucks. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *