Giannis, Milwaukee sapaw kay Doncic

MULI ay sapaw kay Luka Doncic si Giannis Antetokounmpo.

The post Giannis, Milwaukee sapaw kay Doncic first appeared on Abante.

giannis milwaukee sapaw kay doncic - Giannis, Milwaukee sapaw kay Doncic
abante luka 1 - Giannis, Milwaukee sapaw kay Doncic

MULI ay sapaw kay Luka Doncic si Giannis Antetokounmpo.

Pasiklab si Doncic ng 27 points, 8 rebounds at 4 assists sa loob ng 29 minutes para angklahan ang Dallas sa 128-112 panalo kontra Milwaukee sa preseason game nila nitong Lunes.

Nitong weekend ay pinulutan din ng Mavericks ang Bucks 112-102.

Purong point guard pa tinoka si Doncic, lumabas ang role niya bilang facilitator.

Tumagal ng 27 minutes sa laro si Antetokounmpo, may 24 points, 14 rebounds at 4 assists.

Humarurot sa fourth quarter ang Mavericks para iwan ang Bucks.

Nagdagdag ng 23 points at 7 rebounds si Josh Richardson sa Dallas, may 17 si Tim Hardaway Jr. at nagbaba ng 11 rebounds si Dorian Finney-Smith.

Nakatuwang sa kabil ani Antetokounmpo si Khris Middleton na nagsumite ng 13 points, 6 rebounds at 5 assists at si Bobby Portis na umayuda ng 12 points off the bench.May tig-11 markers sina Brook Lopez, Jrue Holiday at Bryn Forbes.

Sinagad nina Dallas coach Rick Carlisle at Milwaukee counterpart Mike Budenholzer ang kani-kanilang bench para makahanap ng tamang kombinasyon. (VE)

The post Giannis, Milwaukee sapaw kay Doncic first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *