Giannis kinausap sa P12.4B kontrata

Nakipagtagpo nitong Linggo (Manila time) si National Basketball Association (NBA) superstar Giannis Antetokounmpo kay Milwaukee Bucks’ co-owner Marc Lasry at tinalakay ang kinabukasan ng franchise.

The post Giannis kinausap sa P12.4B kontrata first appeared on Abante.

giannis kinausap sa p12 4b kontrata - Giannis kinausap sa P12.4B kontrata
Giannis Antetokounmpo 2 - Giannis kinausap sa P12.4B kontrata

Nakipagtagpo nitong Linggo (Manila time) si National Basketball Association (NBA) superstar Giannis Antetokounmpo kay Milwaukee Bucks’ co-owner Marc Lasry at tinalakay ang kinabukasan ng franchise.

Sa parehas na araw, marami ang nakapuna na in-unfollow ng last season’s Most Valuable Player ang Instagram at Twitter accounts ng kanyang mga teammate at maging ng Bucks.

Inilugmok ng Miami Heat ang Bucks sa Eastern Conference semifinals, 4-1, nitong Miyerkoles, pero iginiit ni Antetokounmpo matapos ang labanan na hindi siya hihingi ng trade o lilisanin ang tropa.

May natitira pang isang taon sa contract ang Greek Freak para sa Bucks.

Pero eligible na rin ang 2019-20 Defensive Player of the Year para sa super-max, five-year extension ngayon offseason na nagkakahalaga ng $254M o P12.4B. (Janiel Abby Toralba)

The post Giannis kinausap sa P12.4B kontrata first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *