Giannis, iba pa binoykot Game 5

LALO pang lumala ang racial discrimination sa Amerika kaya ang ilang NBA player, nagboykot ng laro upang iprotesta ang pagpatay kay Jacob Blake ng pulis.

The post Giannis, iba pa binoykot Game 5 first appeared on Abante.

giannis iba pa binoykot game 5 - Giannis, iba pa binoykot Game 5
abante giaannis - Giannis, iba pa binoykot Game 5

LALO pang lumala ang racial discrimination sa Amerika kaya ang ilang NBA player, nagboykot ng laro upang iprotesta ang pagpatay kay Jacob Blake ng pulis.

Kahapon ay nagdeklara ang Milwaukee Bucks ni Giannis Antetokounmpo na hindi maglalaro sa krusyal na Game 5 ng kanilang playoffs kontra Orlando Magic bago sinundan ng desisyon ng pamunuan ng NBA mismo na kanselahin nito ang nakatakdang buong tatlong nakatakdang laro sa unang round ng labanan kahapon.

Nakalalamang ang Bucks sa kanilang paghaharap ng Magic, 3-1, habang kanselado din ang laban sa pagitan ng Houston Rockets kontra Oklahoma City Thunders at Los Angeles Lakers laban sa Portland Trailblazers.

Tabla ang serye ng Rockets at Thunders, 2-2, habang bitbit ng Lakers ang 3-1 abante kontra Blazers.

Ilang malalaking sports events ang nagkansela din ng kanilang mga laro bilang pagsipatiya sa naganap na pagbaril at pagkakapatay sa isa pang may lahing itim na si Jacob Blake sa Kenosha, Wisconsin.

“The NBA and the NBPA today announced that in light of the Milwaukee Bucks’ decision to not take the floor today for Game 5 against the Orlando Magic, today’s three games – MIL-ORL, HOU-OKC and LAL-POR have been postponed. Game 5 of each series will be rescheduled,” opisyal na pahayag ng NBA at NBPA.

“We’re tired of the killings and the injustice,” sabi lamang ni Bucks guard George Hill. (Lito Oredo)

The post Giannis, iba pa binoykot Game 5 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *