George puro dada, walang gawa

Nagtaasan ang kilay ng mga kakampi sa post-game speech ni Paul George pagkatapos masipa ang Clippers sa West playoffs.

The post George puro dada, walang gawa first appeared on Abante.

george puro dada walang gawa - George puro dada, walang gawa
PG 1 - George puro dada, walang gawa

Nagtaasan ang kilay ng mga kakampi sa post-game speech ni Paul George pagkatapos masipa ang Clippers sa West playoffs.

Nalusaw ang 3-1 lead ng Los Angeles sa semis at pinag-impake ng Denver Nuggets.

Liyamado sa papel ang team na kinatatampukan nina George, Kawhi Leonard, Marcus Morris, Lou Williams at Montrezl Harris.

Inaabangan na nga ang all-LA showdown sa West finals dahil maagang pumalaot doon sina LeBron James, Anthony Davis at Lakers.

Sa Nuggets postgame locker room, kinausap ni George ang teammates para bumalik at sama-sama silang magsimula muli.

“It was met by some eye rolls and bewilderment, sources said, because George did not back up his words with action in the series and the team has multiple free agents with decisions to make,” ulat ni Shams Charania ng The Athletic.

Nagsagutan pa aniya sina George at Harrell sa second quarter ng Game 7 defeat. Sa decider, nagkasya lang si George sa 10 points mula 4 of 16 shooting.

Sabay dumating ng LA sina Leonard at George para maging mukha ng prangkisa.

Nagkakahalaga ng $144.5M ang kontrata ni George mula Oklahoma City na sinalo ng Clippers, nakuha si Kawhi sa halagang $140M buhat sa free agency. (Vladi Eduarte)

The post George puro dada, walang gawa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *