George ‘papatali’ na sa dyowang hubadera

SA hinaba-haba man ng prusisyon, sa kasalan din ang tuloy.

The post George ‘papatali’ na sa dyowang hubadera first appeared on Abante.

george papatali na sa dyowang hubadera - George ‘papatali’ na sa dyowang hubadera
george 1 - George ‘papatali’ na sa dyowang hubadera

SA hinaba-haba man ng prusisyon, sa kasalan din ang tuloy.

‘Yan ang nangyari kina LA Clippers star Paul George at dyowa nitong si Daniela Rajic na matapos ang bangayan ay kumpirmadong ikakasal na.

Sa Instagram story ng NBA star, nakitang nag-propose na ito kay Daniela, na dating stripper.

Nagkakilala ang dalawa sa pinagtatrabahuhang club ni Daniela, kung saan nabuntis siya ni George.

Taong 2013 ay pinilit pa umano ng NBA superstar na ipalaglag ang kanilang anak ngunit hindi rin ito natuloy, hangga’t hinamon nito si Daniela sa DNA test at lumabas na anak niya talaga ang sanggol ng stripper.

Tumagal pa ang kanilang iringan ngunit nagkamabutihan din at nasundan pa ang kanilang anak. (Ray Mark Patriarca)

The post George ‘papatali’ na sa dyowang hubadera first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *