George, Leonard tinisod Lakers

Tinanggap ni LeBron James at ng Lakers ang championship ring bago tumikim ng 116-109 loss sa Clippers sa NBA opening night nitong Martes sa Staples Center.

The post George, Leonard tinisod Lakers first appeared on Abante.

george leonard tinisod lakers - George, Leonard tinisod Lakers
abante clippers - George, Leonard tinisod Lakers

Tinanggap ni LeBron James at ng Lakers ang championship ring bago tumikim ng 116-109 loss sa Clippers sa NBA opening night nitong Martes sa Staples Center.

Dumistansiya ng 41-20 sa bukana ng second quarter ang Clippers, hindi na bumitaw kahit nang dumikit sa anim ang Lakers.

Pinanood muna nina Kawhi Leonard, Paul George at Clippers ang ring ceremony ng Lakers, pagkatapos ay sinimulang bugbugin ang defending champs.

Nagsumite si George ng 33 points, tumapos ng 26 si Leonard at may 15 points si Serge Ibaka sa unang laro bilang Clipper.

Kinapos ang 22 points ni James at 18 ni Davis. Double-double ang mga bagong salta ng Lakers na sina Dennis Schroder (14 points, 12 rebounds, 8 assists) at Montrezl Harrell (17 points, 10 rebounds).

Tinanggap ni LeBron ang pang-apat niyang ring, una ni Anthony Davis.

Sumenyas ng ‘24’ si general manager Rob Pelinka matapos tanggapin ang kanyang ring, para kay Kobe Bryant.

Nakuha ang ring, pero hindi pa tinataas ng Lakers ang latest banner. Ilaladlad nila ang 17th kapag puwede nang pumasok ang fans sa Staples Center.

“We won’t be unveiling a banner because we want to wait for the fans on that,” ani Lakers president of basketball operations Tim Harris sa ESPN.

Pamilya ng bawat player ang nagpakilala sa kanila virtually bago tanggapin ang singsing.

Umpisa pa lang ay emosyonal na nang ipakilala si Jared Dudley ng anak na babae bilang BFF.

May special appearance si reigning MVP Giannis Antetokounmpo ng Bucks, pati kapatid na si Thanasis, para i-congratulate ang utol na si Kostas, nauna pa sa kanyang makakuha ng ring.

Agaw-eksena ang anak na babae ni Markieff Morris na sumisigaw habang pinapakilala ang tatay. At pumapalakpak ang kambal niyang si Marcus Morris na naglalaro sa Clippers.

Ang pamilya at mga estudyante ng kanyang I Promise school sa Ohio ang nag-present ng ring ni LeBron. Pabibo ang bunsong babae ni LeBron na si Zhuri na No. 3 jersey ni Davis ang suot. (VE)

The post George, Leonard tinisod Lakers first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *