George, Leonard supalpal sa Jazz

Kumaripas sa first at third quarters ang Utah Jazz, sapat para salagin ang matinding comeback nina Kawhi Leonard, Paul George at ng Los Angeles Clippers Biyernes ng gabi.

The post George, Leonard supalpal sa Jazz first appeared on Abante.

george leonard supalpal sa jazz - George, Leonard supalpal sa Jazz
paul geroge - George, Leonard supalpal sa Jazz

Kumaripas sa first at third quarters ang Utah Jazz, sapat para salagin ang matinding comeback nina Kawhi Leonard, Paul George at ng Los Angeles Clippers Biyernes ng gabi.

Malamig ang gabi ni Donovan Mitchell, kumapit ang Jazz sa 33 points at 7 assists ni Mike Conley Jr. para hiyain ang dumayo sa Vivint Smart Home Arena na Clippers 106-100.

Tumapos si Mitchell ng 15 points, may 14 markers at 11 boards si Derrick Favors sa Utah. Nag-ambag si Jordan Clarkson ng 9 points, 5 rebounds at 2 assists off the bench.

Hindi kinayang buhatin ng 25 points ni George at halos triple-double na 20 points, 16 rebounds at 9 assists ni Leonard ang Clippers.

Inari ng Jazz ang opening period 31-19, malayo sa unahan 84-65 pagkatapos ng three. Sapat na ang naipundar na lead para alpasan ang matinding fightback ng mga dayo.

Nakuha ng Clippers ang ritmo sa closing minutes, naidikit pa sa isa ang dating 2-point deficit sa 3-minute mark pero hindi naagaw ang manibela. (VE)

The post George, Leonard supalpal sa Jazz first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *