George, Clippers binuhusan Suns

PINIGIL ng Los Angeles Clippers ang dating Western Conference-leading Phoenix Suns 112-107 Linggo ng gabi.
The post George, Clippers binuhusan Suns first appeared on Abante.


PINIGIL ng Los Angeles Clippers ang dating Western Conference-leading Phoenix Suns 112-107 Linggo ng gabi.
Bumida sa Clippers ang 39 points ni Paul George matapos malimitahan sa 15 lang ang partner niyang si Kawhi Leonard na may 6 rebounds at 3 assists.
Nagsalpak ng pitong 3-pointers si George at 15 of 24 sa field.
Ayon sa Clippers PR, si George ang unang player ng prangkisa na may at least 39 points at 7 3-pointers made pagkatapos ni Lou Williams noong January 10, 2018 kontra Golden State.
May tig-14 points sina Nicolas Batum at Luke Kennard para sa LA, pinantayan sa 5-2 ang biktima.
Tumabo ng 25 points at 8 assists si Donovan Mitchell, may 24 markers at 8 boards si Deandre Ayton sa Suns. Umayuda ng 15 points, 9 rebounds at 6 assists si Chris Paul.
Dumistansiya ng 31 sa second at 64-44 sa break ang Los Angeles sa break pero napakawalan, nakabawi ang Phoenix nang ibaba sa 88-81 ang hinahabol pagkatapos ng three,
Umiskor ng 8 quick points ang Suns sa fourth at bigla ay iwan na lang ng isa.
Sumagot ng back-to-back 3s si Serge Ibaka para muling ilayo sa lima ang Clippers.
Hindi pa sumuko ang Phoenix, muling dumikit sa tatlo papasok ng final minute bago ang corner 3 ni Batum na nagselyo sa panalo. (VE)
The post George, Clippers binuhusan Suns first appeared on Abante.