George binuhos galit vs Pelicans

BINUNTON nina Paul George, Kawi Leonard at mga kasama ang ngitngit ng Los Angeles Clippers sa New Orleans Pelicans.

george binuhos galit vs pelicans - George binuhos galit vs Pelicans
pg - George binuhos galit vs Pelicans

BINUNTON nina Paul George, Kawi Leonard at mga kasama ang ngitngit ng Los Angeles Clippers sa New Orleans Pelicans.

Matapos ang mapait na sinapit sa Los Angeles Lakers 101-103, sa 74th National Basketball Association (2019-20) restart sa Disney World Resort sa Orlando, Florida nitong Biyernes, agad bumawi sina George at Kawi sa opensa upang lunurin ng Clippers ang Pelicans, 126-103, nitong Sabado (Linggo, Manila).

Nagtala si George ng 28 points, tampok ang 8of-11 sa 3-point shot sa 25 minutes play, habang bumakas si Leonard ng 24 markers upang sikwatin ang unang panalo at umangat 45-21 win-loss record.

Ipinahayag ni George na masayang lang sumalang ang buong tropa, pero kaakibat ang pagkayod ng lahat upang makuha ang pambalikwas na tagumpay tapos malansihan ang karibal na Lakers.

Humarurot ang Clippers sa tatlong sunod na trey ni George patungo sa paghawak ng 32- point lead, 77-45 sa halftime.

Inalagaan na lang ng Clippers ang lamang sa second half para angkinin ang panalo. (Elech Dawa)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *