Gentleman Jim pasiklab agad

NAGPAKITANG GILAS agad ang kabayong Gentleman Jim at si star jockey Jonathan Hernandez sa simula ng karera nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

The post Gentleman Jim pasiklab agad first appeared on Abante.

gentleman jim pasiklab agad - Gentleman Jim pasiklab agad
abante horse - Gentleman Jim pasiklab agad

NAGPAKITANG GILAS agad ang kabayong Gentleman Jim at si star jockey Jonathan Hernandez sa simula ng karera nitong Linggo sa Metro Turf sa Malvar-Tanauan City, Batangas.

Liyamado si Gentleman Jim kahit matagal natengga, nasilayan ang husay ng kabayo sa remate.

Papasok ng hometurn ay sumisirit papunta sa unahan si Gentleman Jim at inagaw ang bandera kay Icon sa rektahan.

“Ang husay pa rin ni Gentleman Jim kahit matagal hindi tumakbo, ang galing pa rin,” ani Marcelo Castello, karerista na taga-Malabon.

Nanalo si Gentleman Jim ng may apat na kabayo ang agwat sa sumegundong si Silab.

Terserong dumating si Icon habang pang-apat si Matriarchal.

Nilista ni Gentleman Jim ang oras na 1:25.6 minuto sa 1,400 meter race. (Elech Dawa)

The post Gentleman Jim pasiklab agad first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *