Ganado muli ang breeder

GINANAHAN magpalahi ang mga breeder dahil sa pagbubukas muli ng mga sabungan at pagkakaroon na ng mga derby.

The post Ganado muli ang breeder first appeared on Abante.

ganado muli ang breeder - Ganado muli ang breeder
Usapang ruweda - Ganado muli ang breeder

GINANAHAN magpalahi ang mga breeder dahil sa pagbubukas muli ng mga sabungan at pagkakaroon na ng mga derby.

Kahit hindi ganap na maisasagawa ang tradisyunal na sabong ay bahagyang nasiyahan na rin ang mga backyard breeder na halos walong buwan na nagtiis sa pagbabalik ng sabong.

Marso nang itigil ng gobyerno ang sabong dahil sa pag-atake ng coronavirus (COVID-19) at makalipas ang ilang buwan ay nararamdaman na ng mga breeder ang paghihirap dahil sa kawalan ng laban o derby kaya walang masyadong bumibili ng kanilang warriors.

“Sobrang hirap, muntik na akong bumigay, nasa 120 heads lang ang alaga ko pero naramdaman ko talaga ang hirap,” kuwento ni Erning Digamo, backyard breeder.

“Ngayon kahit paano nakapagbenta ako kahi 20 piraso sa halagang P4,500 isa hindi na masama makakapagsimula na akong mag-breed ulit.”

Nagpasalamat naman ang ibang breeders sa mga nagpursige na muling payagan ang sabong.

May guidelines na sinusunod ang mga lisensyadong sabungan na magpapa-derby at mahigpit na ipatutupad ang health at safety protocols. (Elech Dawa)

The post Ganado muli ang breeder first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *