Gameplan ni Stanley, Ginebra: Meralco dikdikin

Smart Clark Giga City – Didiinan pa ng Ginebra ang pressure sa Meralco sa Game 2 ng PBA Philippine Cup semifinals sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City.

The post Gameplan ni Stanley, Ginebra: Meralco dikdikin first appeared on Abante.

gameplan ni stanley ginebra meralco dikdikin - Gameplan ni Stanley, Ginebra: Meralco dikdikin
abante pringle 1 - Gameplan ni Stanley, Ginebra: Meralco dikdikin

Semis Game 2 ngayon: (AUF Gm)
3:45pm – Meralco vs Ginebra (Gins lead series 1-0)
6:30pm – TNT vs Phoenix (Tropa leads series 1-0)

Smart Clark Giga City – Didiinan pa ng Ginebra ang pressure sa Meralco sa Game 2 ng PBA Philippine Cup semifinals sa Smart 5G-powered AUF gym sa Angeles City.

Isang bilang ng panalo lang ang 96-79 win ng Gin Kings sa opener ng best-of-five noong Miyerkoles, Kailangan pa nila ng dalawa.

“Yesterday ended last night, that’s what we need our guys to be thinking,” pahayag ni Cone sa bisperas ng bakbakan.

“We have to quickly move forward from last night and get focused on today’s practice and tomorrow’s game.”

Dinsitansiyahan ng Gins ang Bolts 56-39 sa third at 90-65. Inaasahan ni Cone ang super-charged Meralco ngayon.

“Everything went right for us and everything went wrong for them in the last game. That’s not going to happen tomorrow,” giit ni Cone.

Sa pangunguna ng 8 of 14 shooting ni Stanley Pringle ay 39 of 81 overall sa field ang Gins kumpara sa 31 of 78 ng Bolts.

Mainam ang ikot ng bola sa Ginebra, halos lahat umiskor sa likod ng 19 points ni Pringle na may 7 rebounds pa.

May tig-13 sina Scottie Thompson at Arvin Tolentino, tig-11 sina LA Tenorio at Aljon Mariano. May 9 rebounds at 8 assists pa si Thompson.

Sa kabila, 7 of 10 sa field at perpektong 5 for 5 sa 3s si Allein Maliksi tungo sa 24 points. Naka-13 si Chris Newsome, pero 1 of 10 shooting lang si Baser Amer. (VE)

The post Gameplan ni Stanley, Ginebra: Meralco dikdikin first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *