Game-fixing masusugpo – Duremdes

Nais sugpuin ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes ang matagal nang nagaganap na iba’t-ibang uri ng game-fixing partikular sa sport, pero sadya aniyang mahirap patunayan at makakuha ng mga ebidensiya laban sa mga sangkot.

The post Game-fixing masusugpo – Duremdes first appeared on Abante.

game fixing masusugpo duremdes - Game-fixing masusugpo – Duremdes
tonite kenneth duremdes - Game-fixing masusugpo – Duremdes

BATAS ANG KATAPAT!

Nais sugpuin ni Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) commissioner Kenneth Duremdes ang matagal nang nagaganap na iba’t-ibang uri ng game-fixing partikular sa sport, pero sadya aniyang mahirap patunayan at makakuha ng mga ebidensiya laban sa mga sangkot.

Ayon sa dating Philippine Basketball Association (PBA) Most Valuable Player at University Athletic Association of the Philippines (UAAP) coach, kailangan ang isang mas detalyadong batas na magpaparusa at tutukoy sa iba’t-ibang uri ng pagbebenta at pagmamanipula sa mga laro.

One of the main concerns naming is game-fixing. Very rampant talaga. But the thing is walang actual na nahuhuli. Malaking isyu ito na dapat bigyang pansin ng gobyerno at ng mambabatas. Iyong ebidensiya kasi talaga ang mahirap hanapin unless na may magtuturo,” anang 46-year old cage official sa online Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum nitong Martes.

Hinirit niya sa talakayang mga hatid ng San Miguel Corporation, Go For Gold PH, MILO Philippines, Amelie Hotel Manila, Braska Restaurant, Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR), Upstream Media at Smart, “Siguro, ang magandang gawin ang Congress natin magbuo ng batas. Hindi kasi natin kilala tulad sa isang text lang, paano kung prepaid SIM card ang gamit, mahirap i-trace dahil walang pangalan.”

Pinahabol din ni Duremdes na hinihintay na lang ng liga ang resolusyon ng Department of Justice (DOJ)

sa kinasuhan noong Nobyembre ni MPBL founder at chairman Emmanuel Pacquiao na 21 katao, kabilang ang 11 player ng SOCCKSARGEN. (Lito Oredo)

The post Game-fixing masusugpo – Duremdes first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *