Galanza muntik ‘makatay’ ni Tai

HINDI madali makuha ang tagumpay, kailangan mong labanan ang takot ng kalaban – o mismo sa coach mo.

galanza muntik makatay ni tai - Galanza muntik ‘makatay’ ni Tai
jema - Galanza muntik ‘makatay’ ni Tai

HINDI madali makuha ang tagumpay, kailangan mong labanan ang takot ng kalaban – o mismo sa coach mo.

Ganyan hinarap ni 2019 PVL Open Conference MVP Jema Galanza ang takot kay coach Tai Bundit.

Kwento ng former Adamson Lady Falcon sa ‘Volleyball DNA’ podcast, noong una’y nagdalawang-isip itong sumabak sa koponan dahil sa kinatatakutang coach na si Bundit na kilala na isa sa pinaka-strikto at pahirap sa training na pabiro pang sinabing posibleng ikamatay nito.

“Nagdadalawang-isip ako sa totoo lang dahil kay Coach Tai,” pag-amin ni Galanza.

“Kinakabahan ako. Baka mamatay ako.”

Pero dahil mahal ang volleyball ay nagpursigi ito at hinarap ang kinatatakutan para maging isang palabang spiker.

“Pero sabi ko sige na nga. Lahat naman ng mga player niya gumaling so mag-stay na lang ako,” sambit nito.

Isa si Jema sa mga susi ng Creamline Cool Smashers sa pagsikwat ng tatlong kampeonato sa Premier Volleyball League (PVL). (Aivan Episcope)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *