Galanza, Erram armas ng NLEX versus Ginebra

HINDI pa halos nag-iinit ay bumalik ang knee injury ni Kevin Alas, rumesponde ang bagong recruits ng NLEX para pagandahin ang kampanya ng Road Warriors sa PBA Philippine Cup.

The post Galanza, Erram armas ng NLEX versus Ginebra appeared first on Abante News Online.

galanza erram armas ng nlex versus ginebra - Galanza, Erram armas ng NLEX versus Ginebra
Abante 2019 NLEX - Galanza, Erram armas ng NLEX versus Ginebra

Laro ngayon:

(AUF Sports Arena, Angeles City)
5:00pm — NLEX
vs. Ginebra

HINDI pa halos nag-iinit ay bumalik ang knee injury ni Kevin Alas, rumesponde ang bagong recruits ng NLEX para pagandahin ang kampanya ng Road Warriors sa PBA Philippine Cup.

Kabilang sa mga sorpresa ni coach Yeng Guiao si Bong Galanza, hinugot­ ng NLEX pagkatapos mag-expire ang two-year contract sa Columbian.

Si big man Poy Erram­ na galing Blackwater nitong offseason, nakakakuha na ng momentum sa teammates.

Malaking bagay ang newbies sa back-to-back wins ng Road Warriors na nagsampa sa kanila sa sixth-eighth kabuhol ang Magnolia at Alaska sa 4-5.
“They’ve been stepping up. Even Kenneth Ighalo. Juami Tiongson is also stepping up,” lahad ni Guiao pagkatapos ng 122-101 win kontra­ Blackwater noong Linggo.­

“Nung mawala si Kevin, na-shock kami lahat, parang masyadong naapektuhan. We’re rea­lly looking for guards who can step up. The rest of our wingmen are also following suit. We’re making our 3-point shots, we’re getting that confidence shooting the threes.”

Papaypayan ng NLEX ang tsansa sa playoffs, pero para makahabol sa last 8 ay kailangang itawid ang huling dalawang laro.

Pareho lang mabigat, dahil unang asignatura ang Ginebra (5-3) sa Petron Saturday Special sa AUF Sports Arena sa Angeles City, Pampanga mamaya.

Ititiklop nila ang kampanya laban sa Hotshots sa pagtatapos ng elimination round sa April 3.

Sa nakikita ni coach Yeng, gumana na ang depensa ng Road Warriors kaya nakabalik sila sa torneo. (Vladi Eduarte)

The post Galanza, Erram armas ng NLEX versus Ginebra appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *