Galanza, Creamline kinaldag ang Fujian

Galanza, Creamline kinaldag ang Fujian

NANAIG ang Creamline Cool Smashers sa isang friendly game nitong Linggo laban sa Chinese pro team na Fujian Anxi, 25-18, 19-25, 15-25, 25-19, 15-12.

galanza creamline kinaldag ang fujian - Galanza, Creamline kinaldag ang Fujian
balanza - Galanza, Creamline kinaldag ang Fujian

NANAIG ang Creamline Cool Smashers sa isang friendly game nitong Linggo laban sa Chinese pro team na Fujian Anxi, 25-18, 19-25, 15-25, 25-19, 15-12.

Kagaya ng inaasahan, kumayod para sa Cool Smashers sina spiker Alyssa Valdez, Jema Galanza, Michele Gumabao, Risa Sato at setter Jia Morado.

Sa huling set ng laban, dumiliber para sa Creamline si Valdez sa kanyang mga smart attack para maungusan ang tangkang pagsupalpal ng matatangkad na players ng Fujian Anxi.

Bumida rin ang mga quick attack ni Sato at service aces ni Morado para maipanalo ang laban.

“We were struggling sa palo talaga kasi they are a tall team and I don’t think we prepared that well for this, but still very fortunate to have the win,” pahayag ni veteran opposite hitter Gumabao sa Akari Sports. (Janiel Abby Toralba)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *