Gaballo sinungkit WBC bantam title

Muling nagmarka si dating interim World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Reymart Gaballo nang gulantangin ang Puerto Rican na si Emmanuel Rodriguez via split decision upang makamit ang World Boxing Council (WBC) bantamweight crown nitong Sabado ng gabi sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

The post Gaballo sinungkit WBC bantam title first appeared on Abante.

gaballo sinungkit wbc bantam title - Gaballo sinungkit WBC bantam title
rey 1 - Gaballo sinungkit WBC bantam title

Muling nagmarka si dating interim World Boxing Association (WBA) bantamweight champion Reymart Gaballo nang gulantangin ang Puerto Rican na si Emmanuel Rodriguez via split decision upang makamit ang World Boxing Council (WBC) bantamweight crown nitong Sabado ng gabi sa Mohegan Sun Arena sa Uncasville, Connecticut.

Lamang sa score card ng dalawa sa tatlong judge ang boksingerong Pinoy tapos ng bangasan sa loob ng 12 round, 115-113, 116-112. Nakakuha ng isa Rodriguez sa 118-110.

‘Blessing in disguise’ naman ito para sa Pinoy fighter dahil nagkataon lang na siya ang naging kapalitan ni Nonito Donaire nang magpositibo sa Covid-19 bago ang bakbakan.

Bagama’t nagnegatibo na si Donaire sa tatlong huling test results, ‘di na ito tinanggap ng mga organizer at itinuloy na ang Gaballo-Rodriguez fight card.

Dahil sa pagkakapanalo ng 24 na taong-gulang, may taas na 5-6, tubong \GenSan at kilalang `Assasin’ umangat na sa 24-0 win-loss ang kanyang kartada habang nalasap ni Rodriguez ang pangalawa talo sa 21 fights. (Aivan Episcope)

The post Gaballo sinungkit WBC bantam title first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *