Floyd butata sa auction house

Nasopla si multiple world boxing champion Floyd Mayweather Jr. matapos na habulin ang ilang Olympic kit na sinabi nitong ninakaw at inilagay sa isang auction para ibenta sa organisasyon ng Goldin Auctions.

The post Floyd butata sa auction house first appeared on Abante.

floyd butata sa auction house - Floyd butata sa auction house
abante floyd - Floyd butata sa auction house

Nasopla si multiple world boxing champion Floyd Mayweather Jr. matapos na habulin ang ilang Olympic kit na sinabi nitong ninakaw at inilagay sa isang auction para ibenta sa organisasyon ng Goldin Auctions.

Sinabi ni Mayweather Jr. na ang walong items na ginamit nito noong manalo ng Olympic bronze medal sa Atlanta 1996 na inilagay na for sale ay ninakaw dito ilang taon na ang nakalipas na alegasyong pinabulaan naman ng New Jersey auction house na nakapagbenta sa mga damit.

Ilan sa item ang pulang Adidas trunks at asul na US vest na isinuot noon ng 19-anyos na si Mayweather sa Olympic tournament kontra Armenian Artur Gevorgyan sa round of 16 sa featherweight division, na nabenta sa halagang $5,500 at $3,500.

Ang ibang equipment na inilagay sa auction na inorganisa ng Runnemede-based Goldin Auctions ay ang ginamit nito na Olympic cover-up na nabili sa $3,500, isang Olympic cover na ginamit sa quarterfinals kung saan tinalo nito si Lorenzo Aragon ng Cuba na nakuha sa $2,750.

Kasama din ang pares ng training-used shoes na ginamit ni Mayweather sa Olympic preparations na nabili sa $1,500 at Olympic training trunks sa $2,750 sa ginanap na “2020 October Legends Auction” sa Goldin Auctions website, na nagbenta din ng mahigit na 4,200 kagamitan sa sports.

Gayunman, naghabol si Mayweather matapos malaman ang auction items at sinabing nakaw lahat ito.

“The items were stolen, they were definitely stolen,” sabi ni Leonard Ellerbe, Mayweather Promotions chief executive.

“I don’t know when exactly but obviously it was a while ago, some years ago. Floyd just told me the items were stolen. He said, ‘My shit was stolen’. He’s upset. Floyd’s going to want to get his items back. He knows this stuff has been missing. He was aware the items were stolen. He wants to get them back.”

Sinabi ni Ken Goldin, owner ng Goldin Auctions, na ang mga item ay inialok dito ng kinikilalang boxing memorabilia dealer na si Craig Hamilton at may “letter of authenticity.”

Nakuha nito ang mga gamit mula sa Lust Cleaning Services matapos na mamatay ang lola ni Mayweather na si Bernice. (Lito Oredo)

The post Floyd butata sa auction house first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *