Flattering You maangas sa Juvenile Stakes Race

HINDI binigo ni Flattering You ang kanyang mga panatiko matapos angkinin ang titulo sa 2020 Philracom Juvenile Championship Stakes race nitong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

The post Flattering You maangas sa Juvenile Stakes Race first appeared on Abante.

flattering you maangas sa juvenile stakes race - Flattering You maangas sa Juvenile Stakes Race
horse racing1 - Flattering You maangas sa Juvenile Stakes Race

HINDI binigo ni Flattering You ang kanyang mga panatiko matapos angkinin ang titulo sa 2020 Philracom Juvenile Championship Stakes race nitong Linggo sa Santa Ana Park sa Naic, Cavite.

Kalmado lang sa bandang likuran si class A rider Kelvin Abobo habang nirerendahan si Flattering You, nag-uubusan naman ng lakas sina King Tiger at Meteora.

Papalapit ng huling 600 metro ng karera ay umuusad na ang winning horse.

Pagsapit ng huling kurbada ay hawak na ni Flattering You ang bandera at tumuloy na ito sa meta upang manalo ng may kalahating kabayo ang agwat sa nasegundong Kevlar.

Umoras si Flattering You ng 1:40.8 sa 1,600-meter race upang hamigin ng kanyang owner ang P1.2M na premyo, habang nakopo ni Kevlar ang second place prize na P450,000. (Elech Dawa)

The post Flattering You maangas sa Juvenile Stakes Race first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *