First blood! Tenorio, Aguilar binuhat Ginebra vs TNT

“In LA we trust.”

The post First blood! Tenorio, Aguilar binuhat Ginebra vs TNT first appeared on Abante.

first blood tenorio aguilar binuhat ginebra vs tnt - First blood! Tenorio, Aguilar binuhat Ginebra vs TNT
Ginebra 4 - First blood! Tenorio, Aguilar binuhat Ginebra vs TNT

“In LA we trust.”

‘Yan ang nasabi ni Ginebra head coach Tim Cone sa kanilang overtime win kontra TNT, 100-94, nitong Linggo sa Game 1 ng 2020 PBA Philippine Cup sa AUF Sports Arena & Cultural Center.

Makapigil-hininga ang eksena sa mga huling minuto ng laban, sa last two minutes ay nagpaulan ng tatlong tres sina Jay Washington at Jayson Castro kung saan nakuha pa ang kalamangan, 91-90.

Naging 92-90 ang iskor sa pumasok na free throw ni Ray Parks Jr, 5 segundo ang nalalabi sa laban.

Buti na lang ay naroon si LA Tenorio para sa Ginebra na gumawa ng magandang play na nagresulta sa bukas na layup para kay rookie Arvin Tolentino at mapaabot sa overtime ang laro.

Sa overtime, muling naghari si LA kung saan dalawa sa pangdiin na tira ay mula sa pasa niya.

Tumapos si Tenorio tangan ang 12 points, 10 assists at five rebounds, habang may 25 points at 16 boards naman si Japeth Aguilar na hinirang na Player of the Game.

20 points, four rebounds at four dimes naman ang ginawa ni Parks para sa TNT, ngunit makikitang paika-ika na ito sa dulo ng laro at na-fouled out pa.

Dahil sa panalo, nakuha ng Ginebra ang 1-0 advantage sa best of seven series para sa Philippine Cup trophy.

Muling maglalaban ang TNT at Ginebra sa Miyerkoles, December 22, sa pareho ring venue.

The post First blood! Tenorio, Aguilar binuhat Ginebra vs TNT first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *