Finals trophy balik sa baul

GINTO na, naging bato pa!

The post Finals trophy balik sa baul first appeared on Abante.

finals trophy balik sa baul - Finals trophy balik sa baul
abante trophy - Finals trophy balik sa baul

GINTO na, naging bato pa!

Viral ngayon sa social media ang video kung saan ibinalik muna sa ‘baul’ ang championship trophy ng NBA matapos maunsyami ang pagsungkit ng kampeonato ng LA Lakers sa 2020 NBA Finals kontra Miami Heat.

Angat na kasi ang Lakers sa serye ng 3-1 at isang kembot na lang ay maibabandera na sana ang titulo sa Game 5 ngunit naudlot ito nang pasiklaban sila ng Heat, 111-108.

Makikita sa video tweet ni former NBA player Rex Chapman na itinago muna ang tropeo dahil hindi pa nagwagi ang koponan ni LeBron James matapos magmintis si Danny Green sa crucial trey.

Sa ngayon ay 3-2 na ang serye at magtatapatan muli ang dalawang koponan sa Game 6 Finals bukas, Lunes sa Pilipinas. (Aivan Episcope)

The post Finals trophy balik sa baul first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *