Fastest Win sa Las Piñas

BABALIK ang pang-Sabadong edisyon ng ‘Fastest Win One-Cock Ulutan’ ngayon, Sabado, Enero 25 sa air-conditioned Las Piñas Coliseum kung saan inaasahan muli ang higit 100 entries.

fastest win sa las pinas - Fastest Win sa Las Piñas
derby 2 1 - Fastest Win sa Las Piñas

BABALIK ang pang-Sabadong edisyon ng ‘Fastest Win One-Cock Ulutan’ ngayon, Sabado, Enero 25 sa air-conditioned Las Piñas Coliseum kung saan inaasahan muli ang higit 100 entries.

Nitong nakaraang Sabado, nairehistro sa LPC ang 108 entries.

Pambato rin ang aksyon sa Pitmasters Live bandang 2pm kung saan tampok naman ang elims ng Master Breeders Cup 7-Cock Derby.

Puwedeng makisali sa sagupaan sa 12 betting kiosks at may libreng meryenda pa ang mga apis­yonado.

Sa Martes na, Enero 28, ang taunang ‘Kaibigan ng Las Piñas 3-Cock Derby’ nina Eddie at Atty. Jerome Alejandro.

May entry fee ito na P5,500 lamang at sa Lunes ang submission ng entries.
Sa Marso 11 ang ‘Happy Birthday Papa Mayor 3-Cock Derby’ ni businesswoman Budjit Aguilar.

Tawagan lamang ang 8873-1040, 0929-1800960 (Grace 1), 0939-1376455 (Grace 2) o 0915-3582076 (Julius). (Enjel Manato)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *