Family man si Mr. MVP!

Mas matimbang kay James Yap ang panibagong championship crown kaysa makakuha ng isa pang individual award gaya ng Most Valuable Player (MVP) plum.

The post Family man si Mr. MVP! appeared first on Abante News Online.

family man si mr mvp - Family man si Mr. MVP!
ABANTE JAMES - Family man si Mr. MVP!

James Yap
Ni Janiel Abby Toralba

Mas matimbang kay James Yap ang panibagong championship crown kaysa makakuha ng isa pang individual award gaya ng Most Valuable Player (MVP) plum.

Bilang two-time MVP ng PBA, mas prayoridad nito ang championships at bonus na lang ang mga ganitong klaseng parangal.

Simple lang ang daily routine ni 2004 No. 2 pick overall ng liga. “After practice, umuuwi ako ng bahay, nagpapahinga. Then, ‘yun lang muna ‘yung ginagawa ko. Practice-bahay, or minsan lumalabas with friends,” kwento ni Yap.

Pero paglabas ng hard court, mailalarawan ni Yap ang kanyang pagiging ama kay Michael James ‘MJ’ na magta-tatlong taon at 1-year old baby Francesca bilang strict and supportive father.

Naniniwala ito na, “kailangang turuan and mapalaki mo sila nang maayos” katuwang ang kanyang partner na si Michela Cazzola.

Kung wala naman itong practice, sinisigurado rin ni Yap na maglalaan ito ng panahon kasama ang kanyang pamilya, “Actually, nilalabas ko sila. Bonding.”
“Si MJ, nagda-drive kami, ‘yun ‘yung bonding naming,” kwento ni 37-year-old Yap.

Hindi naman pinangungunahan ng basketball superstar ang kanyang anak kung magka-interes ito sa sports.

“Yung shape ng body nya, ano siya eh kumbaga active. So, hindi ko muna siya ine-expose sa mga basketball. Hinahayaan ko muna siyang maglaro. Para ma-figure out niya kung ano ‘yung gusto niya.”

***

Q&A

Abante: Anong feeling na ma-irepresent mo ang bansa sa 2017 Asian Games?
James: Well, syempre it’s an honor dahil alam naman natin ‘yun ‘yung pangarap ng lahat ng players and sobrang blessed and salamat sa lahat ng suporta ng ating mga kababayan dun, nung naglaro tayo sa Indonesia.

Abante: Sa SEA Games, ano ang tsansa ng ating National team?
James: Siyempre malaki chance natin diyan. ‘Yun nga lang wala pang players kung sino maglalaro dun. Sana ngayon, malaman na kung sino ‘yung mga player.

Abante: Ano ang advice mo para sa mga young athlete?
James: Siyempre ang advice ko sa lahat ng mga athlete especially sa basketball, keep working hard. ‘Yun ang pinakasikreto and pray kay God. And kung ano’ng, kung meron kang mga, kumbaga nadismaya ka man sa ginagawa mo, keep working hard pa rin.

Abante: Mensahe para sa fans?
James: Maraming salamat sa lahat ng suporta nila. Sana huwag silang magsawang suportahan ‘yung Rain or Shine, ako and ‘yung PBA.

The post Family man si Mr. MVP! appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *