Fajardo, San Miguel himbing sa pansitan

TAAS-BABA ang kampanya ng San Miguel Beer sa PBA Commissioner’s Cup, kipkip ang 2-4 slate at kasaluku­yang nakatengga sa 10th place.

The post Fajardo, San Miguel himbing sa pansitan appeared first on Abante News Online.

fajardo san miguel himbing sa pansitan - Fajardo, San Miguel himbing sa pansitan
Abante Fajardo 1 - Fajardo, San Miguel himbing sa pansitan

Ni: Vladi Eduarte

TAAS-BABA ang kampanya ng San Miguel Beer sa PBA Commissioner’s Cup, kipkip ang 2-4 slate at kasaluku­yang nakatengga sa 10th place.

Huling tumikim ng tambakang 118-82 loss sa Magnolia ang San Miguel noong Miyerkoles.

Kailangan nang gumising sina June Mar Fajardo, Alex Cabagnot, Chris Ross, Marcio Lassiter, Arwind Santos, Christian Standhardinger­ at import Charles Rhodes para humabol sa quarterfinals.

Top eight lang ang aabante sa next round, may limang laro pa sa eliminations ang Beermen.

Uumpisahan ng SMB ang pagbangon kontra Columbian Dyip sa first game mamaya sa Smart Araneta Coliseum.

Nasa ilalim ng standings ang Dyip sa 1-6.

Pagkatapos ay isusunod ang NLEX, Phoenix, Rain or Shine at Meralco.
Kapag nawalis ang huling lima ay puwede pang sumampa ang Beer sa top two na win-once sa quarters. Sa kasalukuyan, sapat ang seven wins para makasiguro sa next round.

The post Fajardo, San Miguel himbing sa pansitan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *