Fajardo sabik na kabado sa ensayo

Halo-halong emosyon ang naramdaman ni June Mar Fajardo sa pagbabalik sa practice facilities ng mga kasamahan niya sa PBA.

fajardo sabik na kabado sa ensayo - Fajardo sabik na kabado sa ensayo
junemar - Fajardo sabik na kabado sa ensayo

Halo-halong emosyon ang naramdaman ni June Mar Fajardo sa pagbabalik sa practice facilities ng mga kasamahan niya sa PBA.

“Excited, at the same time medyo may pangamba,” anang reigning five-time MVP at San Miguel Beer franchise player. “Excited dahil makakapagsimula na silang makapag-practice, magpa-kondisyon. Pero s’yempre, ‘di pa, nandiyan pa rin ‘yung COVID, eh. Delikado pa rin. Kaya ayun, mixed emotions.”

Binigyan na ng IATF ang pro league ng go-signal para makapag-workout, bubuksan ang gyms sa mga lugar na nasa ilalim ng general community quarantine.

Sasalang muna sa mandatory swab testing ang players, inaasahang uumpisahan ng teams ang ensayo sa Aug. 10 o 11.

Gustuhin man, hindi pa rin makakasama ang 30-year-old, 6-foot-10 slotman sa ensayo ng Beermen dahil kailangan pang gumaling ng kanyang right shin bone na nabali sa ensayo noong February.

Beermen lang din ang nakatikim ng panalo, 94-78 laban sa Magnolia sa opening night ng 45th Philippine Cup elims noong March 8 bago kinansela ang mga laro makalipas ang tatlong araw dahil sa coronavirus.

Isinuko na rin ni SMB coach Leo Austria ang tsansang makabalik sa season si Fajardo, kahit pa magbalik ang liga sa September o mid-October.

Dahil hindi naman makakapag-ensayo, hindi na kasama si Fajardo sa swab testing. Mahaba-habang rehabilitasyon pa ang kailangan niya. (Vladi Eduarte)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *