Fajardo ayaw nang mabilisan

GUSTO ni six-time reigning Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo ang full recovery kaya ayaw niyang madaliin ang pagpapagaling sa kanyang shin injury.

fajardo ayaw nang mabilisan - Fajardo ayaw nang mabilisan
junmar - Fajardo ayaw nang mabilisan

GUSTO ni six-time reigning Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo ang full recovery kaya ayaw niyang madaliin ang pagpapagaling sa kanyang shin injury.

Ayon sa ‘Kraken’, hinay-hinay lang sa pagpapagaling.

“Hindi ko masyado minamadali. Nakakalakad na ako pero ayaw kong maging aggressive sa body weight,” kwento ni San Miguel Beermen franchise player Fajardo.

“Hangga’t maari magka-crutches pa rin ako para hindi mabigla ‘yung shin ko.”

Nahinto ang PBA Philippine Cup noong Marso 11 dahil sa paglaganap ng coronavirus pandemic kaya ginagamit ni June Mar ang mahabang bakasyon upang maka-recover nang husto.

“Getting better naman ‘yung shin ko, ‘yung healing medyo maganda ‘yung healing. So sana tuloy-tuloy,” sabi pa ni Fajardo sa panayam ng ABS-CBN sports.

Nakuha ni Fajardo ang injury sa practice ng Beermen noong Pebrero. (Ferdz Delos Santos)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *