Fajardo atat nang maglaro

MALAPIT nang makarekober sa kanyang injury si reigning six-time Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo.

The post Fajardo atat nang maglaro first appeared on Abante.

fajardo atat nang maglaro - Fajardo atat nang maglaro
abante june mar - Fajardo atat nang maglaro

MALAPIT nang makarekober sa kanyang injury si reigning six-time Most Valuable Player (MVP) June Mar Fajardo.

Nakatakdang sumailalim ang ‘The Kraken’ sa aquatherapy para mapalakas ang katawan.

“He will start his swimming, his aquatherapy,” kuwento ni San Miguel Beermen (SMB) head coach Leo Austria.

“In the last 4 weeks, he’s been doing his rehabilitation with our physical therapist.”

Nakuha ni Fajardo ang shin injury noong Marso, ilang araw bago i-shutdown ang PBA Philippine Cup dahil sa pagputok ng coronavirus pandemic.

Sumailalim na rin ito sa operasyon at nagpapalakas na lamang.

Ayon pa sa San Miguel coach, ganado nang magbalik aksiyon ang kanilang main man.

“He’s is high spirits, I think in every game he’ll be there kung papayagan,” dagdag pa ni Austria sa panayam ng Sports Desk sa CNN Philippines.

Wala pang eksaktong petsa kung kalian itutuloy ang Philippine Cup subalit nagsimula nang magkaroon ng small group training ang mga player ng bawat team. (Abante Sports)

The post Fajardo atat nang maglaro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *