Exciting na All-Star Weekend sa Calasio

SA susunod na apat na araw, iho-host ng Calasiao, Pangasinan ang PBA para sa All-Star weekend bonanza.

The post Exciting na All-Star Weekend sa Calasio appeared first on Abante News Online.

exciting na all star weekend sa calasio - Exciting na All-Star Weekend sa Calasio
2019 Abante Basketball - Exciting na All-Star Weekend sa Calasio

SA susunod na apat na araw, iho-host ng Calasiao, Pangasinan ang PBA para sa All-Star weekend bonanza.

Ngayong Huwebes ay papunta na ng Calasiao ang league delegation. Sa Linggo ang traditional clash ng North at South All-Stars sa Calasiao Sports Complex.

Si coach Louie Alas ng Phoenix ang hahawak sa North, si Caloy Garcia ng Rain or Shine sa South.

Pagkatapos ng courtesy call kay Mayor Joseph Bauzon sa Calasiao Municipal Hall, may motorcade ang All-Star participants kasunod ang meet-and-greet sa Robinson’s at CSI Mall.

Biyernes ang skills challenge na Obstacle, Three-Point Shootout at Slam Dunk. Si Beau Belga ang defending champion sa Obstacle, si James ang kasalukuyang Three-Point Shootout king, at si Rey Guevarra ang Slam Dunk title holder.

Kinagabihan ang Rookies/Sophomores vs. Juniors Selection game.

Pang-30 edisyon na ngayon ng extravaganza sapul nang gawing taunan ang All-Star game.

May referees at basketball clinics ding nakalinya, vistis sa mga barangay, medical center at orphanage bahagi ng Corporate and Social Responsibility program ng liga.

Nanaig ang North 154-151 nang huling magtapat ang dalawang teams noong 2016.

Sa breaks ng main game ay ilalarga ang Shooting Stars at 3×3 mat­ches. (Vladi Eduarte)

The post Exciting na All-Star Weekend sa Calasio appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *