Ex-Meralco import patay sa pamamaril

Ex-Meralco import patay sa pamamaril

BINARIL at napatay si dating NBA player at Meralco Bolts import Andre Emmett Lunes ng umaga sa Dallas.

ex meralco import patay sa pamamaril - Ex-Meralco import patay sa pamamaril
ex import - Ex-Meralco import patay sa pamamaril

BINARIL at napatay si dating NBA player at Meralco Bolts import Andre Emmett Lunes ng umaga sa Dallas.

Bandang alas-2:30 ng madaling araw, natagpuan si Emmett na nakahandusay sa gilid ng kalsada, may tama ng baril.

Isinugod ng Dallas Fire Rescue ang 37-year-old sa ospital pero binawian din ng buhay. Wala pang suspek sa krimen.

Naglalaro sa kasalukuyan si Emmett sa BIG3 3×3 league.

Nagulat si Meralco coach Norman Black nang malaman ang balita.

“I was certainly saddened by the news when I heard about Emmett’s death,” ani Black.

Naglaro si Emmett sa Bolts noong 2015 PBA Governors Cup, naihatid ang team hanggang quarterfinals bago natalo sa nooy No. 2 seed San Miguel Beer sa decider.

“We’re saddened, our deepest sympathies go out to his family at this difficult time,’ bahagi ng statement ni Meralco team manager Paolo Trillo. “May he rest in peace.”

Star player dati si Emmett sa Texas Tech sa ilalim ng alamat na coach na si Bobby Knight.

No. 36 pick noong 2004 NBA draft si Emmett, naka-tig-isang season din sa Memphis Grizzlies at New Jersey Nets. Nakapaglaro din siya sa Lithuania, Belgium, France, Venezuela, China, Puerto Rico, Lebanon at Korea.

Ilang oras bago nabaril, nag-post pa si Emmett sa kanyang Instagram stories ng video ng kanyang anak na babae. (VE)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *