Eumir ayaw gumarahe

PASADO si Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial sa una niyang pakikipagbangasan sa ring sapul noong March, pero ayaw pang lubayan ng Zamboanga-native ang silinyador.

The post Eumir ayaw gumarahe first appeared on Abante.

eumir ayaw gumarahe - Eumir ayaw gumarahe
Eumir Felix Marcial 2 - Eumir ayaw gumarahe

PASADO si Tokyo Olympics-bound Eumir Felix Marcial sa una niyang pakikipagbangasan sa ring sapul noong March, pero ayaw pang lubayan ng Zamboanga-native ang silinyador.

Umiskor si Marcial ng unanimous decision victory laban kay American Andrew Whitfield sa Shrine Exposition Center sa Los Angeles nitong Huwebes (Manila time).

Ang four-rounder ang unang professional bout ni Marcial, humugot ng 40-36 iskor mula sa tatlong judges.

Sa second round ay nagsimula nang sumara ang kanang mata ni Whitfield, beterano ng 40 MMA fights.

Pagkatapos ng laban ay sinabihan raw ni MP Promotions president Sean Gibbons si Marcial na magpahinga muna.

“Sabi ko, one week lang pahinga ko, training na agad ako,” sagot ng Filipino boxer. “Kailangan ko pa ng maraming experience kaya tuloy-tuloy na para mas lalong gumanda tsansa natin sa Olympics.”

May ticket na si Marcial sa Tokyo Games sa July.

Noong October ay dumayo siya ng US para mag-training sa ilalim ni Freddie Roach, long-time coach ni eight-division champion Manny Pacquiao.

July ay pumirma si Marcial ng promotional deal sa MP Promotions ni Pacquiao pero siniguro sa ABAP at sa PSC na hindi bibitawan ang paghahabol sa mailap na Olympic gold.

Niregaluhan ni Marcial ng panalo si Sen. Pacquiao na nagdiwang ng 42nd birthday nitong Dec. 17 din. (VE)

The post Eumir ayaw gumarahe first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *