Eugene Torre hari parin sa 4 dekada

Hindi nakikita ni Eugene Torre ang sarili na mapupunta sa ibang mundo kundi sa larangan lang ng chess.

The post Eugene Torre hari parin sa 4 dekada appeared first on Abante News Online.

eugene torre hari parin sa 4 dekada - Eugene Torre hari parin sa 4 dekada
Abante 2019 Eugene Torre - Eugene Torre hari parin sa 4 dekada

Ni Fergus Josue Jr.

Hindi nakikita ni Eugene Torre ang sarili na mapupunta sa ibang mundo kundi sa larangan lang ng chess.

Anim na taon pa lamang nang mag-umpisang maglaro ng chess ang tubong-Iloilo na si Eugenio Torre at naging malaking impluwensiya sa kanya ang dating world champion na si Bobby Fischer.

“Hindi ko ma-imagine na hindi ako chess player dahil ‘yung apelyido ko Torre eh. So, pinanganak ‘ata talaga ako para sa chess,” wika ni Torre sa panayam ng Abante.

Nagsumikap ang Business Administration undergraduate mula Mapua Institute of Technology (Mapua University) hanggang sa masungkit niya ang kanyang Grandmaster title, kauna-unahan sa Asya, noong 1974 sa edad na 22 nang masikwat ang pilak na medalya sa Chess Olympiad sa Nice, France.

Mula rito ay namayagpag pa ang pa­ngalan ni Torre sa larangan ng chess lalo na’t noong 1976 na torneo sa Maynila ay pinadapa niya ang reigning world champion na si Anatoly Karpov ng Soviet Union.

Dalawampung (20) beses nang kinatawan ni Torre ang bansa sa World Chess Olympiad – mula 1970 hanggang 2010 – kung saan binali nito ang 18 consecutive ­appearances na hawak ni Heikki Westernin at nakasosyo nito sa paglalaro si Lajos ­Portisch ng Hungary.

Bukod sa Olympiad, ilang international tournaments pa ang sinabakan ni Torre gaya ng Asian Games at Southeast Asian Games na talaga namang nagpahasa sa galing at talento nito at nagpakilala sa Pilipinas sa buong mundo.

Hanggang ngayon ay aktibo pa rin si Torre sa kanyang sport. Huli siyang sumabak sa Asian Senior Championships noong nakaraang taon sa Tagaytay at sa ngayon ay pangungunahan nito ang 1st GM Eugene Torre Chess Cup sa darating na Mayo.

Q&A

Abante: Sino po ‘yung pinaka-nakaimpluwensiya sa inyo para maglaro ng chess?

Torre: Talagang si ­Bobby Fischer, during that time kasi matunog na matunog ‘yung pangalan ni Bobby Fischer and exceptional naman talaga siya. But of course ‘yung ibang mga world champion naging influence din sa akin katulad nina Alexander Alekhine, Raul Capablanca tapos Emmanuel Lasker, si (Wilhelm) Steinitz, and even ‘yung hindi mga world champion.

Abante: Ano po ‘yung latest achievement ­ninyo as a chesser?

Torre: ‘Yung 65 above, ‘yung Asian Senior Championship in Tagaytay, tayo nag-champion du’n.

Abante: Sino po ‘yung pinakamabigat ­ninyong nakalaban?

Torre: ‘Yung mga world champions and then especially si (Anatoly) Karpov during that time na world champion siya, ‘yan mabigat ‘yan. Si (Garry) Kasparov during that time na world champion na sila. ‘Yun ang mga mabibigat na nakalaban ko.

Abante: May anak po ba kayong sumusunod sa yapak ninyo?

Torre: Isa lang anak ko, babae. Eh maru­nong maglaro pero ‘yung hilig eh hindi masyado. Kapag ­ganu’n hindi mo dapat pilitin ‘yung bata.

Abante: Any message sa aspiring chess players?

Torre: Hindi lang sa aspi­ring chess players. Lahat ng kabataan, get involved in sports. Very important ‘yun, physical sports and mental sports. And of course when we are talking of mental sports, ang pinakamaganda talaga is chess.

The post Eugene Torre hari parin sa 4 dekada appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *