Esplana: Bentahan sa NCAA, MPBL talamak

ISINIWALAT ng dating Philippine Basketball Association (PBA) star at ex-EAC Generals coach Gerry Esplana na malala ang game fixing sa NCAA at sa MPBL.

The post Esplana: Bentahan sa NCAA, MPBL talamak first appeared on Abante.

esplana bentahan sa ncaa mpbl talamak - Esplana: Bentahan sa NCAA, MPBL talamak
COACH - Esplana: Bentahan sa NCAA, MPBL talamak

ISINIWALAT ng dating Philippine Basketball Association (PBA) star at ex-EAC Generals coach Gerry Esplana na malala ang game fixing sa NCAA at sa MPBL.

Ani Esplana, isang hindi niya pinangalanang player ang nabuking na nagbebenta ng laro.

Nang mapadpad naman sa Maharlika Pilipinas Basketball League si Esplana, natuklasan nitong mas grabe ang game fixing.

“Dito lang ako sa MPBL nagulat. ‘Yung sentiment ni Senator Manny (Pacquiao) talagang kasama rin ako diyan. Grabe ang game-fixing diyan.” sambit ni Gerry.

Dagdag pa nito, sa dami ng koponan na meron sa liga, mahirap na talaga mabantayan ang galaw ng mga player.

Sabi pa ni Esplana, ang mga dating professional player na may edad na ay sa pagbebenta ng laro kumukuha ng extra money o kita. (Sarah Jireh Asido)

The post Esplana: Bentahan sa NCAA, MPBL talamak first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *