Erram, Rosario kulang sa pukpok

Smart Clark Giga City – Absent ang dalawang bigs ng TNT sa Game 1 ng PBA Philippine Cup Finals sa Pampanga bubble pero nakipagbasabayan ang Tropang Giga bago naubusan sa Ginebra sa overtime.

The post Erram, Rosario kulang sa pukpok first appeared on Abante.

erram rosario kulang sa pukpok - Erram, Rosario kulang sa pukpok
abante tnt 1 - Erram, Rosario kulang sa pukpok

Smart Clark Giga City – Absent ang dalawang bigs ng TNT sa Game 1 ng PBA Philippine Cup Finals sa Pampanga bubble pero nakipagbasabayan ang Tropang Giga bago naubusan sa Ginebra sa overtime.

Magpakita lang ang ulo nina Troy Rosario at Poy Erram, may tsansa ang TNT.

“Basta maka-contribute lang si Troy at si Poy inside, mas magtatagal sila sa loob then mas lalaki ang tsansa namin,” pahayag ni coach Bong Ravena kahapon, bisperas ng Game 2.

Naligtasan ng Tropa ang Phoenix sa semifinals nang ipasak si Jay Washington sa starting five at ginawang 4 si Bobby Ray Parks.

Iba ang frontline ng Gin Kings kina Japeth Aguilar, Prince Caperal, Aljon Mariano at Arvin Tolentino na umatake ng higher percentage shots sa loob ng paint.

May penetration pa sina Stanley Pringle, LA Tenorio at Scottie Thompson.

“Kailangan may different bodies against them, especially their bigs,” dagdag ni Ravena. “If not limit them, at least ma-disrupt them.”

Sa series opener na isinuko ng Tropa 100-94, may 10 points at 10 rebounds si Erram pero 4 of 11 lang mula sa field, nang magka-turnover sa OT ay umagwat ang Gins 96-92.

Nagkasya sa 8 points at 5 rebounds si Rosario pero naka-anim na attempts lang ang 6-foot-7 national team mainstay, hindi umiskor sa second half at hindi ginamit sa extra time.

Bukod sa nilistang 25 points, kinalawit ni Aguilar ang 16 sa 60-41 dominasyon ng Gins sa boards. Bentahe pa nila ang points in the paint 60-38 at plus-4 sa second chance points.

“Since wala si Ray-Ray (strained calf), kailangan talagang maka-contribute sina Poy and Troy,” giit ng coach. (VE)

The post Erram, Rosario kulang sa pukpok first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *