Erram alaskado kay Guiao, NLEX

Smart Clark Giga City – Sa unang pagkakataon, nakatunggali ng NLEX Road Warriors ang dati nilang reliable big man na si Poy Erram noong Huwebes.

The post Erram alaskado kay Guiao, NLEX first appeared on Abante.

erram alaskado kay guiao nlex - Erram alaskado kay Guiao, NLEX
Poy Erram - Erram alaskado kay Guiao, NLEX

Smart Clark Giga City – Sa unang pagkakataon, nakatunggali ng NLEX Road Warriors ang dati nilang reliable big man na si Poy Erram noong Huwebes.

Nai-trade si Erram sa TNT noong February bago ang umpisa ng 2020 PBA Philippine Cup.

Habang nasa Road Warriors, sanggang-dikit na sa teammates si Erram, lalo kina Kiefer Ravena at Kevin Alas.

“When Poy was with us, he was very close to the team,” ani coach Yeng Guiao.

Magkakaibigan, pero nang magkita-kita sa Smart 5G-powered AUF gym ay galit-galit muna.

Inambus ng Road Warriors ang Tropang Texters 109-98 para pasinghapin ang tsansa sa playoffs sa 2-4 card. Naputol ang 5-0 start ng TNT.

Iginapos ng NLEX si Erram sa katiting na 9 points sa 1 of 5 shooting lang pero 7 of 9 sa free throws, may 3 rebounds at tig-isang assist at steal kontra 3 turnovers sa loob ng 27 ½ minutes.

Inari ng Road Warriors ang puntusan sa paint (60-46) at second chance points (20-9).

May pahabol pa si Guiao sa dati niyang slotman.

“Magkakantiyawan ‘yan sigurado, but it’s all in good humor, all in a friendly way,” anang coach. “For now, may bragging rights kami against Poy.” (VE)

The post Erram alaskado kay Guiao, NLEX first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *