Embiid, Sixers bawi sa Celtics

Embiid, Sixers bawi sa Celtics

GIGIL na si Joel Embiid sa pambu-bully ng Boston sa Philadelphia, gusto na niyang gumanti.

The post Embiid, Sixers bawi sa Celtics appeared first on Abante News Online.

embiid sixers bawi sa celtics - Embiid, Sixers bawi sa Celtics
sixers - Embiid, Sixers bawi sa Celtics

GIGIL na si Joel Embiid sa pambu-bully ng Boston sa Philadelphia, gusto na niyang gumanti.

Nang itulak ni Marcus Smart at bumagsak si Embiid, nagwala na ang big man.

Nagsumite si Embiid ng 37 points, 22 rebounds at krusyal na block kay Kyrie Irving sa final 35 seconds, nilista ni Jimmy Butler ang 15 sa kanyang 22 points sa fourth quarter, at binawian ng 76ers ang Celtics 118-115 Miyerkoles ng gabi.

Nag-ambag si Tobias Harris­ ng 21 points sa Sixers, naka­iwas sa season-sweep ng Celtics.­ Kapit sa No. 3 ng Eastern Conference ang Philadelphia (47-25), tatlong laro sa unahan ng Indiana at apat sa fifth-place Boston.
“He was very, very dominant tonight,” ani 76ers coach Brett Brown kay Embiid.

Sa kaagahan ng second half, hindi nagustuhan ni Smart ang pag-angat ng siko ni Embiid nang madaanan­ niya ang Philadelphia center.­ Pagtalikod ni Embiid, pasalya siyang tinulak ni Smart. Sadsad sa sideline si Embiid, pagtayo ay sinugod si Smart.

Napigil naman ang dalawa, walang umigkas na suntok. Pagkatapos ng review, ejected si Smart sa Flagrant 2 foul.
Iniskor ni Embiid ang sumunod na eight points at tinapyas ng Sixers ang 69-58 halftime deficit.

The post Embiid, Sixers bawi sa Celtics appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *