Elite pokus sa ensayo

NASA PBA Board of Governors ang final decision kung pagmumultahin pa o kakastiguhin ang Blackwater.

The post Elite pokus sa ensayo first appeared on Abante.

elite pokus sa ensayo - Elite pokus sa ensayo
elite - Elite pokus sa ensayo

NASA PBA Board of Governors ang final decision kung pagmumultahin pa o kakastiguhin ang Blackwater.

Nag-ensayo ang ilang players ng Elite noong June bago pa payagan ng IATF ang workout sa mga gym dahil umiiral pa noon ang ban sa gatherings na bahagi ng health guidelines kontra coronavirus.

Dapat ay dedesisyunan ng Board ang usapin noong Huwebes pero na-postpone ang regular meeting.

Sensitibo ang usapin, kailangang masiguro na hindi taliwas sa constitution and by-laws ng PBA ang desisyon.

Tahimik ang Blackwater sa isyu na nagresulta na sa P100,000 fine na ipinataw ni commissioner Willie Marcial sa team, at sa warning na binigay rito ng GAB.

“We choose to remain quiet about this at the moment, I hope you can respect that,” ani chairman Ricky Vargas sa online PSA Forum noong Martes. “Both parties agreed to keep the discussion private at the moment and that’s important.”

Ang unang hakbang ay nagkakapalitan daw ng sulat, paliwanagan, ang Blackwater at PBA. Inaasahang idudulog ito ng Blackwater sa Board.

“The whole Board will decide,” giit ni Vargas. “The guidelines have been given sa last board meeting. The Board gave guidelines to the (appeals) committee, they will present back.” (VE)

The post Elite pokus sa ensayo first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *