Edwards top pick sa 2020 NBA Draft

Si Anthony Edwards ang 11th straight one-and-done player na naging top pick sa NBA.

The post Edwards top pick sa 2020 NBA Draft first appeared on Abante.

edwards top pick sa 2020 nba draft - Edwards top pick sa 2020 NBA Draft
abante edwards - Edwards top pick sa 2020 NBA Draft

Si Anthony Edwards ang 11th straight one-and-done player na naging top pick sa NBA.

Unang tinapik ng Minnesota Timberwolves ang pangalan ni Edwards sa virtual draft kahapon.

Nasa headquarters ng ESPN sa Bristol, Connecticut si commissioner Adam Silver, tinatawag ang mga pangalan ng draftees.

Naka-isang taon lang sa Georgia Bulldogs si Edwards, nag-average ang 6-foot-5 guard ng 10.1 points.

Bago ang draft ay nagka-injury muli sa paa ang rehabbing mula knee operation na si Klay Thompson, kinuha ng Golden State sa No. 2 si 7-foot-1 center James Wiseman.

Sunod na tinawag ng Charlotte Hornets si LaMelo Ball.

Si Patrick Williams ng Florida State ang No. 4 ng Chicago Bulls, sinundan ng Cleveland Cavaliers sa No. 5 kay Isaac Okokro ng Auburn.

No. 6 ng Atlanta Hawks si Onyeka Okongwu, No. 7 ng Detroit Pistons si Killian Hayes ng France, No. 8 ng New York Knicks si Obi Toppin, No. 9 ng Washington Wizards si Deni Avdija ng Israel, at No. 10 ng Phoenix Suns si Jalen Smith. (VE)

The post Edwards top pick sa 2020 NBA Draft first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *