Eala reyna sa Mallorca

MATAGAL natengga sa tunay na bakbakan si Australian Open doubles champion Alexandra Eala.

The post Eala reyna sa Mallorca first appeared on Abante.

eala reyna sa mallorca - Eala reyna sa Mallorca
abante alexa - Eala reyna sa Mallorca

MATAGAL natengga sa tunay na bakbakan si Australian Open doubles champion Alexandra Eala.

Ito’y dahil sa pandemya dulot ng coronavirus.

Pero sa kanyang pagbabalik, nagpakitang-gilas ang 15-year old na si Eala, sinikwat nito ang korona sa XXXII Circuit Illes Baleats Toni Nadal Heliocare Tournament sa Mallorca, Spain.

“Good to be back in competition,” saad ni Eala na pinagulong sa finals si world No. 28 Matilda Mutavdzic ng Great Britain, 4-0, 4-1, sa girls singles.

Kasalukuyang nasa training facility ng Rafael Nadal Academy sa Mallorca, Spain si Pinay netter Eala.

Hindi makauwi si Eala dahil sa travel restrictions kaya’t nanatili na lamang sa Rafael Nadal Academy habang namiminasala ang COVID-19. (Elech Dawa)

The post Eala reyna sa Mallorca first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *