Eala pasiklab, sinilat Briton

Niladlad ni wild card Alexandra ‘Alex’ Eala ang pambihirang tikas upang gulantangin si eight seeded Francesa Jones ng Britain, 6-3, 7-6 (7-3) sa pagsisimula Miyerkoles (Huwebes Manila time) ng W25 Las Palmas de Gran Canaria sa Las Palmas City, Grand Canary Island, Spain.

The post Eala pasiklab, sinilat Briton first appeared on Abante.

eala pasiklab sinilat briton - Eala pasiklab, sinilat Briton
abnate alexa eala - Eala pasiklab, sinilat Briton

Niladlad ni wild card Alexandra ‘Alex’ Eala ang pambihirang tikas upang gulantangin si eight seeded Francesa Jones ng Britain, 6-3, 7-6 (7-3) sa pagsisimula Miyerkoles (Huwebes Manila time) ng W25 Las Palmas de Gran Canaria sa Las Palmas City, Grand Canary Island, Spain.

Binalewala ng 15-year-old, left-handed Pinay netter ang kabataan ng limang taon at katangkaran ng 20-anyos na Brit upang makuha ang importanteng panalo sa murang professional career.

Reigning world junior girls No. 2 sa International Tennis Federation (ITF) ang Quezon City native, Globe Amabbasador at American International School of Mallorca student bilang Rafael Nadal Acedemy scholar sapul noong September 2018.

Samantalang si Jones ay world No. 249 sa Women’s Tennis Association (WTA) patungo sa kanilang pagtutuos sa event na isang $25K ITF World Tennis Tour.

Ito ang fourth pro career win ni Eala na makakapaluan sa Last 16 si Lara Salden ng Belgium sa Huwebes (Biyernes sa ‘Pinas), na ang isa pang panalo’y magtutulak sa kanya sa unang quarterfinals sa pro circuit.

Mas naging agresibo siya sa game clincher nang rumagasa ng apat na sunod na puntos buhat sa 3-all deadlock makaraang kontrolin ang opening set.
Tinagpas din ni Eala sa W15 Castellon nitong November 2-8 sa nasabi ring bansa si local bet Alba Carillo Marin sa straight sets. Pero dahil sa bagyo nakansela ang torneo. (Ramil Cruz)

The post Eala pasiklab, sinilat Briton first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *